Click Below to Find Titles to Read

List of Free Maia Jose Novels to Read

Biyernes, Abril 28, 2023

Abakada ng Pag-ibig: Paula Chapter 8

FREE TAGALOG ROMANCE NOVELS

CHAPTER 8

“I’M sorry,” masuyong bulong ni Richard.

        “Bakit?” sagot ni Paula. “Desisyon ko ito.”

        “Hindi iyon,” nakangiting paliwanag ng binata. “I’m sorry for ruining everything for you. Ibang klase kasi itong nangyari sa atin. At ito na ang laging pagkukumparahan mo. Tumaas nang masyado ang standards mo. After this, you’ll never be satisfied with less.”

        Nahampas ni Paula ang bisig ng kayakap.

        “Napakayabang mong lalaki ka,” sabi niya.

        Natawa naman nang marahan si Richard.

        “Patas lang naman tayo, e,” sagot nito. “You’ve ruined everything for me, too. Akala mo ba, typical itong nangyari sa atin? No, ma’am. Hindi ganito ang ordinaryong experience. This was extraordinary. Trust me. Ngayon lang ako na-excite nang ganito. Ngayon lang na-satisfy nang ganito. Magkatugmang-magkatugma tayo.”

        “Ipinaalala mo pa na pagkarami-rami mo nang karanasan,” matabang na sabi ng dalaga.

        “Alam mo naman iyon, hindi ba?” katwiran ni Richard.

        Nagkibit-balikat siya.

        “It doesn’t matter,” sabi niya kunwari. “Ayoko lang sanang maisip iyon sa mga sandaling ito.”

        Nakakahiya kasi na parang bigla siyang naging selosa gayung pagkalinaw-linaw namang wala silang relasyon liban sa panandaliang engkuwentrong iyon.

        “Akala ko nga, I’ve been through everything,” pagpapatuloy ni Richard. “Kung tutuusin, I have. Mas matindi pa ritong mga bedroom games. Pero ewan ko ba. They were always just games. Never like this. You really got me. Nahuli mo ako. You blew my mind. Hahanap-hanapin ko na ito.”

        Napakagat-labi si Paula.

        Ganoon din kasi ang nadarama niya. Alam niyang sa naranasan niya ngayon, hinding-hindi na niya makakalimutan si Richard. At hahanap-hanapin na niya itong pinagsaluhan nilang karanasan.

        Pero ngayong nasa sariling katinuan na siya uli, alam niyang hindi siya dapat matali sa pangangailangang ito. Hindi siya dapat matali kay Richard.

        Iyon ang malaking peligro – kung mahibang siya nang husto kay Richard Romero. Iyong maging bulag siya sa katotohanang hindi kailanman magiging maligaya ang isang relasyon kung ang lalaki ay isang certified male chauvinist.

        Sayang.

        Pero susulitin niya ang natatanging araw na ito. Para kahit hindi na maulit muli, hindi bitin ang kanyang mga alaala.

        Naramdaman niyang dahan-dahang humiwalay ang katawan ni Richard sa kanya. Pagkatapos, napasinghap siya nang muling humaplos ang kamay nito sa napakasensitibo pa niyang kaselanan.

        “Does it hurt?” tanong nito. “Sandali. I know what’s best for this. Huwag kang aalis diyan, ha?”

        Tumayo ito at nagtungo sa banyo ng silid-tulugan. Narinig niya ang lagaslas ng tubig.

        Mayamaya, heto na uli si Richard.

        “How about sharing a hot tub with me?” nakangiting anyaya nito. “Inihanda ko na ang banyo.”

        “Sounds heavenly,” sagot niya.

        Pinangko pa siya nito papunta sa banyo. Maingat na ibinaba sa bathtub na puno ng mabula at mabangong mainit na tubig. Pagkatapos ay lumusong din ang binata.

 

ALAS-SINGKO na ng hapon nang pilitin ni Paula ang sarili na magpaalam kay Richard.

        Nakahiga uli sila sa kama. Katatapos lang ng pang-ilang ulit na nilang pagniniig.

        Kanina’y nagpa-deliver na lamang sila ng pizza para sa pananghalian. Buong araw nilang binigyang laya ang kanilang pananabik sa isa’t isa.

        “I have to go,” sabi niya bago pa siya magbago ng isip.

        Isinabay na rin niya ang pagtayo mula sa higaan.

        “Maaga pa,” reklamo ng binata. “Dito ka na mag-dinner.”

        “Awat na,” nakangiting sagot niya. “Magha-hot shower na ako. Baka hindi ko na maibangon ang katawan ko bukas.”

        Nagtuloy na agad siya sa banyo, hawak ang kanyang bihisan. Nailigpit na niya ang mga iyon kanina mula sa pagkakalat sa salas. Nai-hanger sa silid.

        Binilisan lang niya ang pagpaligo. Sa bahay na lang siya uulit ng pagbababad. Ang mahalaga’y makaalis na siya rito.

        Handang-handa na siyang umuwi paglabas niya ng banyo.

        Naka-shorts na rin si Richard.

        “Maliligo lang ako sandali,” sabi nito. “Kung ayaw mo nang mag-stay dito, mag-dinner man lang tayo sa labas.”

        Umiling pa rin siya.

        “I really have to go,” giit niya. “Magpahinga ka na lang. You need to rest pagkatapos ng marathon na iyon.

        Sinadya niyang pagaanin ang kanyang tinig.

        Nakangiting nilapitan siya’t kinabig ni Richard nang payakap.

        “I’m an athlete, remember?” sagot nito.

        “Well, I’m not,” nakangiti ring tugon niya.

        Biglang gumuhit ang concern sa mukha ng binata.

        “Kaya mo bang mag-drive?” tanong nito. “Ihahatid na lang kaya kita?”

        “Kaya ko pa naman,” natatawang sagot niya. “Sobra ka naman.”

        “So when will I see you again?” tanong ni Richard.

        Natigilan si Paula. Naghagilap ng isasagot.

        Mabuti na lang at agad na binawi ng binata ang tanong.

        “Oops,” sabi nito. “Sorry. Nakalimutan ko na naman ang rules. Ikaw nga pala ang bahala kung kailan mo ako tatawagan.”

        Nakalusot si Paula. Hindi na niya sinabing wala siyang balak na tawagan pa uli si Richard.

        Nginitian niya ito nang matamis.

        “I have no regrets,” makatotohanang pahayag niya. “I’m glad I came today.”

        “And I’m thankful,” sagot ni Richard.

        Nagyakap sila. Nagtagpo ang mga labi. Pagkatamis-tamis na halik. Tender. Madamdamin.

        Pagkatapos ng lahat ng pinagsaluhan nila, may kakaibang intimacy na ang paglalambingan ng kanilang mga labi.

        Nanikip ang dibdib ni Paula. Siya lang kasi ang nakakaalam na ang kahulugan ng huling halik na iyon ay goodbye.

 

KAYLAKI ng ipinagbago niya. Sa isang araw lang sa piling ni Richard, kayrami niyang nadiskubre sa sarili niya. Sa pagkababae niya.

        Tama ang sinabi ni Richard. Magkatugmang-magkatugma nga sila. Wala na siyang hahanapin pa sa kanyang unang karanasan. Nahigitan pa nga ang kanyang mga ekspektasyon. Ang kanyang mga dating pantasya.

        Gabi-gabi ay binabalikan ni Paula ang lahat ng naganap sa kanila. Sa araw ay inaabala niya ang kanyang sarili sa paglikha ng nude sculpture ni Richard.

        Inspirado siya. May kakaibang kabuluhan ang kanyang ginagawa. Pakiramdam niya, memoryado pa ng kanyang mga kamay ang bawat kurba ng muscles sa katawan ng binata.

        Sayang, lagi niyang himutok. Kung ang nilililok lang sana niya ay puwedeng bigyang-buhay. Puwedeng maging Richard na hindi isang male chauvinist kundi sensitibo at makatao sa lahat ng aspeto.

        Pero alam niyang walang maaaring makapagpabago sa isang tulad ni Richard Romero kundi ang sarili lang nito. Hindi niya inaambisyong baguhin ito. Hindi siya ganoon kayabang. Sino ba siya para ikapagbago ng binata? Isa lang siyang ‘extraordinary experience’ na maaaring idinagdag nito sa napakarami nang naranasan sa buhay.

        Tanggap na ni Paula na hanggang doon lang talaga sila.

        Gayunpaman, mahirap pa rin. Hindi biro ang kanyang panghihinayang. Kaya hindi rin siya nakatiis na hindi ihinga ang lahat kay Moncie.

        Nangungumpisal siya sa kanyang best friend.

        “Wala akong pinagsisisihan,” pagtatapos niya. “It was a wonderful experience.”

        “Aba, palagay ko nga,” sagot nito. “Pero tama ang sinabi niya. Mahihirapan ka na sa susunod mong encounter. Hindi mo maiiwasang mag-compare. E, sinimulan mo sa master of the game. May makakapantay pa ba naman kaya sa kanya?”

        Nagkibit-balikat si Paula.

        “Posible nga na I may never forget what we shared,” amin niya. “Pero naniniwala pa rin ako na pag ako na-in love, mapapangibabawan ng feelings ang anumang pagkukulang ng lalaking mamahalin ko. I would prefer being with a man who truly loves me and whom I truly love, kaysa naman makisama ako sa isang male chauvinist gaano man siya kahusay as a lover.”

        “E kung sa kanya ka ma-in love?” tanong ni Moncie.

        “Iyan nga ang iniiwasan kong mangyari kaya ayoko nang maulit pa iyon,” sagot ng dalaga. “Despite all his faults, alam kong may danger na ma-in love ako sa kanya. Posibleng mabulag ako sa katotohanan. Delikado. Ayokong matulad sa mga babaing martir.”

        “Pero hayan ka’t hirap na hirap sa paninikis mo sa iyong sarili,” pansin nito.

        “Normal reaction lang ito dahil nga maganda ‘yung shared moments namin,” pagwawalang-bahala ni Paula. “Siyempre, nakakapanghinayang. Iniisip ko na sana’y hindi na lang siya naging chauvinist. But, of course, I have to accept reality. Kaya nga nililibang ko na lang ang sarili ko. At saka inilalabas ko na lang sa iyo ang frustrations ko.”

        “Paano kung ikaw naman ang puntahan niya?” tanong ni Moncie.

        “Maghihintay lang iyon sa tawag ko,” sagot ng dalaga. “Iyon ang rules namin.”

        “Magsasawa rin iyon sa kahihintay,” sabi nito. “Paano na?”

        “Pag nagsawa iyon, maghahanap na ng ibang kalaro,” sagot ni Paula. “Iyong ganoon ba namang klase ng lalaki, magsasayang ng oras sa babaing nang-iisnab sa kanya?”

 

NAGULAT pa si Paula nang tawagan siya ni Moncie pagkaraan ng ilang araw. Itinatanong daw rito ni Richard ang kanyang phone number at address.

        “Hindi ko siyempre ibinigay,” sabi nito. “Mag-iwan na lang ‘ka ko siya ng message sa akin at siguradong makararating sa iyo. Nag-iwan nga.”

        “Ano raw?” tanong agad niya. “Ikaw naman, ibinibitin mo pa.”

        “Mm-hmm... natataranta ang ale,” panunukso ni Moncie.

        “Nakakainis ka!” buska naman ni Paula. “Ano nga raw, e.”

        “Pakisabi ko raw, will you please return his call,” pagbibigay na ng kaibigan. “Iyon lang.”

        “Sus, akala ko naman kung ano na,” parang pahimutok pang sagot ng dalaga. “Iyon lang pala, e. Ini-expect kasi niyang babalik-balikan ko na siya. Hayaan mo nga siyang maghintay sa wala.”

        Nagtaka siya nang kinabukasan din nang hapon ay sabihin sa kanya ng katulong nilang si Gingging na may tumawag daw na Mr. Richard Romero. Hinahanap siya.

        Mabuti na lang at may dati nang instructions kay Gingging na hindi siya tumatanggap ng tawag kapag nagtatrabaho sa kanyang studio. Kinukuha lang nito ang mga mensahe para sa kanya.

        “Paki-return call mo raw po, Ate,” sabi ng katulong.

        Saan kaya nakuha ng loko ang phone number niya?

        Hindi pa rin natinag si Paula.

        Hanggang sa dumating na mismo sa bahay nila si Richard.

        Nasa studio siya nang puntahan ni Gingging.

        “Ate, sorry talaga pero may mamang nasa gate, hinahanap ka,” parang natutulirong pagbabalita nito. “Si Richard Romero raw siya. Ano’ng sasabihin ko?”

        Napabuntonghininga ang dalaga.

        “Patuluyin mo rito,” sabi na rin lang niya.

        Casual lang siya nang dumating ito.

        “I don’t usually receive visitors while working,” sabi niya. “I’m surprised kung paano mo nalaman ang address na ito.”

        “Kung talagang gugustuhin, madali namang mahanap ito,” nakangiting sagot ng binata. “Your family is quite famous, you know. Panay ba naman kayo high achievers.”

        Ngumiti lang si Paula bilang acknowledgment.

        “Hindi pa tapos ang sculpture mo,” sabi niya pagkatapos. “Hindi ko rin usually gustong may nakakakita sa aking work-in-progress. But since you’re already here... hayan, tingnan mo.”

        Itinuro niya ang estatwang nasa gitna ng silid.

        May korte na iyon. Wala pa nga lang ang mga detalye.

        “Hindi naman iyan ang ipinunta ko rito,” sagot ni Richard. “I’m quite confident that the statue will turn out perfect. Ang ipinagtataka ko ay ang tungkol sa atin. If you wanted to test my patience, panalo ka na. Heto na ako. Hindi nakatiis sa paghihintay. You can punish me if you want. Alam mo namang ready and willing ako sa mga naiisip mong forms of punishment.”

        Nakatitig sa kanya ang binata. Sadyang nang-aakit.

        Umiwas ng tingin si Paula.

        “The game’s over, Richard,” pahayag niya. “Sabi ko nga noon, awat na. Tama na. Hanggang doon na lang iyon.”

        Napakunot-noo ang binata.

        “Akala ko ba, I was just supposed to be waiting for your call?” sabi nito. “Mali ba ako? Was I supposed to call you earlier? Iyon ba ang ini-expect mo? Kaya ka ba nagtatampo?”

        Natawa si Paula.

        “No, hindi ako nagtatampo,” sagot niya. “Lalo namang wala akong kung anu-anong expectations from you. Kung meron man, I was expecting you to forget about the whole thing. Bakit ba pag-aaksayahan mo pa ng oras at pagod ang paghahanap sa akin? Sa katulad mo, maraming babae riyan, hindi ba?”

        “Ganoon na lang?” Parang naguguluhang sabi ni Richard. “But why? Wasn’t it good? Ang natatandaan ko, it was the best.”

        “I have nothing to compare it to, but I agree, it was wonderful,” amin ng dalaga. “At hindi ko nga pinagsisisihan. Pero gaya ng sinabi ko na rin sa iyo noon, I don’t intend to make it the pattern of my life. Hindi ko gustong masanay sa ganoong mga encounters na walang commitment. So, tama na ‘yon.”

        “You made the rules,” paalala ni Richard. “Ikaw ang nagsabing no strings attached.”

        Tumango siya.

        “At hindi ako naghahabol kung iyon ang inaalala mo,” sagot niya. “I don’t intend to have an affair with you. Not any kind of relationship.”

        “Because you think of me as a male chauvinist pig,” mapaklang pagtatapos ni Richard.

        “Who happens to be dangerously seductive,” nakangiting dagdag ni Paula. “Kaya mahirap na. You can be habit-forming, you know. Baka makalimutan ko ang lahat ng prinsipyo ko.”

        Lumambot ang ekspresyon ng mukha ng binata.

        “Really?” nakangiti pa ring sabi nito.

        “Naku, lalo ko pa yatang pinalaki ang ulo mo,” tumatawa nang tugon ni Paula.

        “At least alam ko na ngayon na hindi lang pala ako ang head-over-heels over you,” sabi ni Richard.

        “Tigilan mo na ang pambobola mo’t hindi mo talaga ako makukumbinse,” sagot niya.

        “For once, hindi ako nambobola,” seryosong sagot ng binata. “I’m craving your company, Paula. Tama ‘yung ginamit mong salita. Habit-forming iyong namagitan sa atin. Hinahanap-hanap ko.”

        “Masama ang magkaroon ng kahit na anong addiction,” sabi ni Paula. “Lalo na sa ganoon.”

        “I was thinking of a more permanent, long-term arrangement,” pahayag ni Richard.


(Kapag hindi lumabas ang kasunod na chapter pagkatapos nito, pindutin ang > o kaya’y ang Mga Lumang Mga Post na link.)

(Link sa listahan ng iba pang mga nobela.)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento