Click Below to Find Titles to Read

List of Free Maia Jose Novels to Read

Martes, Abril 25, 2023

Abakada ng Pag-ibig: Niandra Chapter 11

FREE TAGALOG ROMANCE NOVELS

CHAPTER 11

IBA nga talaga ang nagagawa ng koneksiyon at impluwensiya. Totoo ang sinabi ni Matt. Bago natapos ang araw ay legal na Mrs. Matt Miravilla na si Niandra Moran.

        At mula sa maikling seremonya ay dinala siya ni Matt sa isang private airfield kung saan may naghihintay na light plane.

        “On to our honeymoon,” sabi ni Matt.

        “Saan?” tanong ng bride.

        “Sa Amanpulo,” sagot ni Matt.

        Napasinghap si Niandra.

        Nabasa na niya ang tungkol sa napaka-eksklusibong island resort. Kahit sa international standards ay napakataas ng rates doon. Kaya nga madalas ay mga Hollywood superstars ang guest doon.

        Sulit daw sa mga rich and famous ang mga ganoon kamahal na rates dahil iilan lang ang cottage sa isla. Kahit puno ang lahat ng cottages ay puwedeng hindi magkita-kita ang guests maging sa mismong dalampasigan. May sapat na privacy ang bawat isa.

        Light aircraft ang ginagamit papunta at paalis sa Amanpulo. Pribado rin ang paliparang pinagmumulan. Tago sa mga miron.

        “Wala akong dalang swimsuit,” sabi ni Niandia.

        “Hindi mo na kailangan iyon,” sagot ni Matt.

        Nakangiti ito nang makahulugan.

        Excited si Niandra, sa eroplano pa lang. Gustung-gusto niyang makita ang Amanpulo.

        Pero kung tutuusin, kahit nagbalik lang sila sa townhouse niya’y sapat na para sa kanya. Kahit naman saan sila mag-honeymoon ay hindi mababawasan ang kayang excitement. Basta makapiling niya lang si Matt – finally.

        Hindi nga siya makapaniwalang Mr. And Mrs. na nga silang dalawa sa mga oras na iyon.

        Hapon na nang dumating sila sa isla. Agad silang dinala sa kanilang cottage. Napakaganda namang talaga. Kung tutuusin ay simple lang. Rustic ang motif. Nakaharap sa dagat. Napapaligiran ng mga puno – may duyan pa ngang nakasabit sa pagitan ng dalawa. May terasa.

        “Kung gusto mong mag-shower, mauna ka na,” sabi ni Matt na itinuturo ang banyong nasa silid-tulugan.

        “Sige,” tango niya.

        Nagbaon na siya ng bihisan sa banyo.

        Pero habang naliligo ay nakikiramdam si Niandra. Sundan kaya siya roon ni Matt? Kinakabahan siya pero nasasabik din. Sinadya pa nga niyang bagalan ang kanyang kilos.

        Kaso, kahit anong bagal ang gawin niya, kailangang tapusin na niya ang paliligo. At walang sumunod na Matt.

        Pabuntonghiningang nagbihis na si Niandra. Isang sleeveless sundress na yari sa puting cotton, malambot ang bagsak hanggang bukung-bukong, sumusunod sa korte ng kanyang katawan at may butones sa harapan hanggang laylayan.

        Tiningnan niya ang kanyang sarili sa salamin. Maganda. Kaakit-akit. Pero bakit hindi pa rin siya pinupuntahan ng kanyang asawa?

        Nagpasya si Niandra. Tinanggal niya ang kanyang mahabang half-slip. Naaaninag na sa manipis na cotton ang kanyang magkaternong mga panloob.

        Hindi pa rin siya nakuntento. Tinanggal niya ang kanyang strapless na pang-itaas na panloob.

        Ayan. Kung hindi pa naman siya maging irresistible kay Matt sa ayos niya ngayon...

        Nakangiting lumabas siya ng banyo.

        Wala sa silid-tulugan si Matt.

        “Matt...” tawag niya habang papalabas sa terasa.

        “I’m here,” sagot nito.

        Nag-aasikaso pala ng pagkain sa mesa sa terasa. Pero nagulat siya nang makitang nakapaligo na ito. Basa ang buhok at preskung-presko sa suot na batik shorts at puting t-shirt na walang kuwelyo. Nakatsinelas na rin.

        Ngayon lang niya nakita si Matt na ganoon ang ayos. Ang ganda pala ng mga binti nito. Mahahaba. Mabalbon. Mahubog na lalaking-lalaki ang dating. Lalo siyang nasabik sa kanyang asawa.

        “Saan ka naligo?” tanong ni Niandra.

        “Sinabayan na kita,” sagot ni Matt. “Diyan na ako sa outdor shower tumapat. Iyong pangbanlaw mula sa dagat.”

        Hindi kumibo si Niandra. Nahiya naman siyang magsabi na “sana, talagang sinabayan mo na ako sa banyo.”

        Pero nakatitig sa kanya si Matt. Hayagang iginala nito ang mga mata sa kanyang kabuuan. Hindi itinatago ang paghanga.

        Namula si Niandra.

        “Beautiful!” sabi ni Matt.

        Na-conscious naman siya nang husto. Parang gusto na niyang pagkurusin ang kanyang mga braso sa harap ng kanyang dibdib.

        “Let’s eat,” sabi pa ni Matt. “Light and early dinner itong ipinahanda ko. Panay fruits at inihaw na seafood. Okay lang sa iyo?”

        “Iyan nga ang masarap kainin sa ganitong lugar, e,” sagot niya.   

        Kahit sa totoo lang ay hindi pagkain ang hanap niya sa mga sandaling iyon.

        “Halika, ipagbabalat kita ng sugpo,” sabi ni Matt.

        Iniurong nito para sa kanya ang pandalawahang upuang kawayan na kaharap ng mesang yari rin sa kawayan.

        Naupo silang magkatabi. Magkadikit.

        Damang-dama ni Niandra ang pagkakadikit ng mabalbon na hita ni Matt sa kanyang hita. Kahit may nakapagitan na tela ng kanyang sundress ay nararamdaman niya ang init ng kanilang magkadikit na balat.

        Sa kabila ng preskong hanging-dagat ay para siyang naaalinsanganan.

        Ipinagbalat nga siya ni Matt ng sugpo.

        “Ako na lang,” sabi niya. “Hindi ka na makakakain niyan.”

        “Hindi, sasabayan din kita,” sagot nito. “O, ito pang inihaw na pusit.”

        Inabot ni Matt mula sa kabilang bahagi ng mesa ang inihaw na pusit. Kinailangang dumukwang ito sa kanyang harapan. Dumikit ang braso nito sa kanyang dibdib. Napadiin.

        Napakagat-labi si Niandra. Kung hindi ay mapapasinghap siya.

        Ano ba naman itong lalaking ito, sabi niya sa sarili. Talaga yatang manhid.

        Pero nang muling dumiin ang braso ni Matt sa kanyang dibdib habang pabalik sa puwesto ay nahagip ni Niandra ang kislap ng kapilyuhang nasa mga mata nito.

        Saka lang niya naunawaan ang lahat. Nananadya si Matt. Nilalaro siya.

        Umigkas din ang kapilyahan ni Niandra.

        “Ayoko yata ng pusit,” sabi niya. “Itong manggang hinog na lang.”

        Siya naman ang umabot ng mangga mula sa kabila ni Matt. Sinadya niyang muling idiin sa braso nito ang kanyang dibdib.

        Nang makuha niya ang mangga, binalatan niya ito nang buo. Nagtira lang siya ng kaunting balat sa may puno para mayroon siyang mahawakan.

        “O, ikaw muna,” alok niya kay Matt.

        Iniharap niya rito ang nabalatang mangga habang nakangiti nang buong kapilyahan at nakaliyad ang dibdib.

        Sinalubong ni Matt ang kanyang mapanghamong titig.

        Alam na nila pareho ang laro.

        Kumagat si Matt. Malaking kagat. Tumulo tuloy sa magkabilang gilid ng bibig nito ang katas ng mangga.

        “Naku,” sabi ni Niandra habang inilalayo’t inilalapag sa mesa ang mangga. “’Ayan, messy ka na tuloy. Let me clean you up.”

        Lumapit siya’t hinabol ng kanyang dila ang katas ng manggang nasa may leeg na ng asawa.

        Si Matt ang napasinghap nang linisin niya ito pabalik sa sulok ng bibig ng asawa. Na ginawa rin niya sa kabilang gilid ng bibig nito.

        “Mmm,” sabi pa ni Niandra pagkatapos, habang nakangiting humaharap uli kay Matt. “Matamis pala ang mangga rito.”

        “May alam akong mas matamis,” sagot nito, sabay kabig sa kanya.

        Ibang halik na ang ipinaranas sa kanya ni Matt. Puno pa rin ng pag-ibig, pero kasabay na ang pinakawalang pagnanais. Ang pananabik ng asawa.

        “Sandali...” sabi ni Niandra nang maglakbay ang mga labi nito sa kanyang mukha. “Maghugas muna tayo ng kamay.”

        “Ako na’ng bahala,” sagot ni Matt.

        Kinuha nito ang kanyang mga kamay at nilinis sa pamamagitan ng halik, tulad ng ginawa niya sa katas ng mangga.

        “O, saan pa?” pilyong tanong nito pagkatapos.

        “Iyang kamay mo,” paalala ni Niandra. “Nagbalat ka ng sugpo, hindi ba? Akin na, lilinisin ko rin.”

        Hustong pinatapos lang siya nito bago siya pinangko at ipinasok sa cottage, diretso sa higaan.

        Pagdating doon ay si Matt ang isa-isang nagbukas ng butones ng kanyang sundress. Hindi minadali. Sadya pang pinabagal habang “aksidenteng” nakakanti ang mga pinakasensitibong bahagi ng kanyang katawan. Sa punto pa namang iyon ay sensitibo na ang bawat pulgada ng kanyang katawan.

        Pagkatapos ay dahan-dahan din ang ginawa nitong paghuhubad.

        Hindi doon natapos ang ritwal. Walang nagawa si Niandra habang unti-unti pa siyang hinagkan ng asawa sa buong katawan. Nagtagal sa kanyang dibdib. Nagbabad sa kanyang kaselanan. Hindi tumigil hangga’t hindi siya naturuang makarating sa hindi pa niya nararating na dimensiyon. Hanggang sa siya na mismo ang nagmakaawang sobra na, hindi na niya kaya.

        Nang sa wakas ay binigyang kaganapan ni Matt ang kapwa nila pananabik, muli nang magkahinang ang kanilang mga labi. At sa unang sikad pa lamang ay sabay na silang pumailanlang, sabay na sumasagitsit ang magkayakap nilang kamalayan hanggang kaitaas-itaasan.

        Unang araw pa lang yon.

        At isang linggo silang namalagi sa Amanpulo.


EPILOGO

 

HINDI pumayag si Matt na hindi sila bumalik sa “Nightcap”. Dalawa na silang guests ni Kit Lagman.

        Si Matt na rin mismo ang nagsalaysay ng buo nilang kuwento – mula ten years ago.

        Ipinaliwanag nito kung bakit sa pagkapikon ay nagawa ni Niandria na magbitiw ng kung anu-anong salita matapos makarinig ng hindi maganda mula kay Peachy.

        “Very colorful naman ang love story ninyo,” sabi ni Kit pagkatapos. “Ang haba ng pinagdaanan.”

        “Totoo sa amin ang kasabihang pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy,” sagot ni Matt.

        “Maligoy talaga itong asawa ko,” sabi naman ni Niandria. “Pero hindi na ako naiinip sa kanya ngayon. Alam ko na kasi ang style niya. In the end, it’s always worth it.”

        At isang pilyang ngiti ang ibinaling niya sa namumulang si Matt.

WAKAS

Basahin ang kwento ng pag-ibig

ng kaibigan ni Niandra sa

Abakada ng Pag-ibig: Queenie

(Kapag hindi lumabas ang kasunod na chapter pagkatapos nito, pindutin ang > o kaya’y ang Mga Lumang Mga Post na link.)

(Link sa listahan ng iba pang mga nobela.)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento